‘4 o’clock habit ng DOH’ sa COVID 19 cases reporting gagawin nang lingguhan
Simula bukas wala nang aabangan na pagpapalabas ng case bulletin ng Department of Health (DOH) tuwing alas-4 ng hapon.
Nabatid na magiging lingguhan na lamang ang pagpapalabas ng case bulletin, na ang laman ay mga datos na may kaugnayan sa COVID 19 cases sa bansa, partikular na ang bilang ng bago at aktibong kaso.
Ginawa ang pagbabago kasunod nang pagkonti ng COVID 19 cases at maraming lugar ang nasa Alert Level 1 na lamang.
Una nang inihayag ni Health USec. Ma. Rosario Vergeire na ang magiging laman naman ng weekly bulletin ay mga bilang ng severe at critical cases, healthcare utilization, partikular na ang mga nasa intensive care units (ICUs).
“So starting March 7… we will be issuing a revised case bulletin kung saan mas magpu-focus na po tayo sa (where we will focus more on) severe and critical cases and the utilization in our ICUs,” sabi pa ni Vergeire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.