Atong Ang sumulpot sa pagdinig sa Senado, nagbunyag ng sabwatan

By Jan Escosio March 04, 2022 - 06:36 PM

Todo-tanggi si gaming consultant Atong Ang na may nalalaman siya sa pagkawala ng higit 30 sabungero sa pagharap nito sa pagdinig ng Senado.

 

Sa kanyang pahayag, ibinunyag ni Ang ang isang sabwatan para pabagsakin siya at ibinahagi na may kongresista, dating kongresista at dating hepe ng pambansang pulisya na pawang operator din ng online sabong.

 

Sinabi pa ng nagmamay-ari ng Lucky 8 Star Quest Inc., ang pakiramdam niya ay nadidiin na ang kanyang kompaniya sa pagkawala ng mga sabungero.

 

“Parang ang Lucky 8, parang inano nyo na na guilty e. Trial by publicity. Papatunayan ko sainyo na may conspiracy dito. Wala kaming kinalaman diyan, patutunayan ko sainyo ang conspiracy,” ayon kay Ang.

 

Inamin nito na 90 – 95 porsiyento ng industriya ang hawak nila sa katuwiran na mga bigtime na sabungero ang nasa kanila dahil lehitimo at maayos ang kanilang operasyon.

 

“Anim kami na magkakakilala rito. Number 1, ako. Number 2, Bong Pineda. Number 3, Cong. Teves, number 4, di ko kilala mga kumpanya nila eh, kay ex-congressman Patrick Antonio. Number 5 kina Mayor Elan. Number 6, kina Gen. Cascolan, class ’86,” dagdag pa ni Ang.

 

Kasunod nito, hiniling at pinagbigyan si Ang ni dela Rosa sa inihirit nitong ‘executive session’ para maipaliwanag niya ng husto ang sinasabi niyang plano na pabagsakin siya.

 

Nabatid sa pagdinig na P3 bilyon ang kinikita kada buwan ni Ang sa online sabong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.