Pagpapalabas ng fuel subsidy sa PUV drivers pinamamadali ng Bagong Henerasyon partylist

By Jan Escosio March 04, 2022 - 06:26 PM

Hilahod na ang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon dahil sa pagtaas ng husto ng presyo ng mga produktong-petrolyo kayat ipinagdiinan ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera na dapat nang ipamahagi ang fuel subsidy sa mga driver at operator.

 

“Umaaray na ang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, kung kaya’t dapat madaliin na ng pamahalaan ang pagpapatupad at pamamahagi sa kanila ng tulong na lubha nilang kailangan sa mga panahong ito,” sambit pa ng House Deputy Speaker.

 

Pinuna din ni Herrera ang anunsiyo ng Department of Budget and Management na walang pang guidelines para sa pamamahagi ng subsidiya sa mga naa sektor ng pampublikong-transportasyon, maging sa agrikultura.

 

Ngayon may krisis pangkalusugan, pagdidiin pa ni Herrera, dapat ay mabilis ang pagtugon ng gobyerno para mapagaan kahit konti ang paghihirap ng publiko.

 

“The government should not dilly-dally in taking action and in helping our kababayans, especially those in the public transport sector who are still reeling from the effects of COVID-19,” dagdag pa nito.

 

Giit pa niya wala naman aasahan pang iba ang mamamayan na tutulong sa kanila kundi ang gobyerno.

 

Una nang inihayag ng Development Budget Coordination Committee na handa na ang pamamahagi ng P2.5 bilyon para sa subsidiya bukod pa sa P500 milyon sa mga magsasaka at mangingisda.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.