College vice president, patay matapos malaglag sa 3rd floor ng paaralan
Patay ang vice president ng Zamboanga State College of Marine Science and Technlogy (ZSCMST) makaraang mahulog umano ito sa third floor ng school building na kanyang pinaglilingkuran.
Kinilala ni Chief Inspector Helen Galvez, information officer ng Zamboanga City Police Office ang nasawing biktima na si Dr. Constancio Teofilo, 52-anyos, na siya ring dean ng College of Marine and Food Science ng kolehiyo.
Sa imbestigasyon, nadiskubre na lamang ng mga guwardiya ng ZSCMST ang biktima na nakahandusay at duguan sa ground floor ng gusali dakong alas 6:30 ng umaga, Lunes.
Bagamat dinala pa sa ospital ang biktima, ay idineklara rin itong dean on arrival sa Zamboang City Medical Center.
Inaalam pa ng mga imbestigador kung may foul play sa pagkamatay ng biktima o suicide ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.