Mga kandidatong humihingi ng ‘advance topic’ sa debate, walang laman ang utak – propesor
Naniniwala ang batikang propesor na si Carlita Carlos na walang laman ang utak ng mga kandidatong nanghihingi ng “advance topic” sa mga debate.
Pahayag ito ni Carlos sa gitna ng hirit ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabigyan ng advance na impormasyon sa kung ano ang magiging format ng ikinakasang debate ng Commission on Elections (Comelec).
“It tells you that they have nothing between their ears,” pahayag ng propesor ng University of the Philippines.
“For God’s sake, I have been teaching for 55 years, if you were my student, am I going to give you my final exam questions? Tell me,” ayon kay Carlos.
Una rito, sinabi ng Comelec na bibigyan na nila ng abiso ang presidential candidates ng general topics na tatalakayin sa debate.
“You know, you are threatening to be the president of the republic of 110 million people, and what are you reading?” ayon kay Carlos.
Payo ni Carlos sa mga kandidato, magbasa ng international politics.
“You should know the regional configurations, you should know things about the domestic concerns,” pahayag ni Carlos.
“So why [ask what topics to be discussed]? You are not just selling ‘taho’ in the street for God’s sake,” dagdag ni Carlos.
Ayon kay Carlos, kahit hindi naman obligado ang isang kandidato na dumalo sa debate, may epekto ito sa kampanya.
“They’ll have to wait for the pluses and minuses of not attending,” pahayag ni Carlos.
“After all, there are several publics who will not mind and those who will mind. So, you know, they take their chances,” dagdag ni Carlos.
Matatandaang tinanggihan ni Marcos ang lahat ng debate maliban na lamang sa inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.