‘Special session’ dahil sa oil price hike, dapat ngayon na – Sotto
Kakapusin na sa panahon ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso kung pagkatapos pa ng eleksyon magpapatawag ng ‘special session’ para matalakay ang anumang panukala para masuspinde ang excise taxes sa mga produktong petrolyo.
Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay sa mga panawagan na dapat magkaroon ng ‘special session’ ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Diin ni Sotto, ngayon na ang tamang panahon para magpatawag ng special session sa Kongreso.
Paliwanag niya, kapag nasa ‘sine die adjournment’ ang Kongreso, hindi maaring magkaroon ng special session.
Maari lang aniyang magkaroon ng special session kapag ‘on-recess’ lamang ang Senado at Kamara dahil na rin sa campaign period.
Bukas naman aniya sila ni presidential aspirant Panfilo Lacson na matalakay ang mga panukala na may kinalaman sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo para na rin maibsan ang paghihirap ng mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.