46 pasahero, nailigtas sa nagkaaberyang bangka sa Quezon
Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 46 na pasahero ng isang bangka na nasiraan ng “engine” habang naglalayag sa katubigan ng Sitio Puruhan sa bahagi ng Barangay Dinahican, Infanta, Quezon bandang 11:45, Miyerkules ng umaga.
Nagsagawa ng search and rescue (SAR) team ang PCG Sub-Station Real at PCG-Sub-Station Infanta makaraang matanggap ang “distress call” mula sa may-ari ng MB JESSICA-3 na si Gideon Villamin.
Na-kontrol ng kapitan na si Edison Batalia, sa tulong ng apat na tripulante, ang pagpasok ng tubig sa bangka hanggang sa dumating ang SAR team.
Itinali sa MBCA PANUKULAN ang MB JESSICA-3 para makarating sa Port of Dinahican kung saan isinailalim sa engine repair.
Base sa imbestigasyon, sinabi ng kapitan ng bangka na may tumamang “floating debris” habang bumibyahe mula Infanta, Quezon patungong Panukulan, Quezon.
Dahil dito, nabutas ang bangka kaya pumasok ang tubig-dagat na naging sanhi ng pagkasira ng makina nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.