Easterlies, maaring magdulot ng pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao region
Patuloy na nakakaapekto ang Easterlies o hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa Silangang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Robert Badrina, asahang magdudulot ang naturang weather system ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao region.
Sa Metro Manila at nalalabing parte naman ng bansa, magiging maaliwalas pa rin ang lagay ng panahon.
Posible lamang aniyang makaranas ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog mula sa hapon hanggang gabi.
Samantala, bahagya na aniyang humina ang Northeast Monsoon o Amihan kung kaya asahan na ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, sinabi ni Badrina na walang binabantayang low pressure area (LPA) sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.