WATCH: Lacson-Sotto tandem, hindi pabor na may ‘advance questions’ sa Comelec debate

By Jan Escosio March 02, 2022 - 03:34 PM

Ayoko!

Iyan ang mabilis na naging sagot ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa posibleng pagbibigay ng Commission on Elections (COMELEC) ng paunang tanong sa mga national candidates na lalahok sa debate.

Inihalintulad ito ni Lacson na pagbibigay ng ‘leakage’ sa tuwing may eksaminasyon o pagsusulit.

“Bakit ka pa nag-aral kung may leakage sila?,” tanong pa nito.

Dagdag pa niya, “You’re running for the top position, mag-aral ka. Anong gagawin mo kapag naboto ka? At saka ka na mag-aaral? Iharap mo sa mga tao ang kaya mong gawin.”

Hirit naman ng kanyang running mate na si vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III, maaring ibahin ng Comelec ang istratehiya, bigyan ng paunang mga tanong ang mga kandidato, ngunit sa mismong debate ay iba ang mga itatanong.

“Yung mga nag-aaral pa lang ngayon, dapat alam ng mga kababayan natin, ‘yung nag-aral na ng 30 taon. Pagtitiwalaan ko ‘yung nag-aral na,” sambit pa nito.

Narito ang bahagi ng pahayag nina Lacson at Sotto:

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, ComelecDebate, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson, RadyoInquirerNews, TitoSotto, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, ComelecDebate, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, PingLacson, RadyoInquirerNews, TitoSotto, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.