Inanunsiyo ng Department of Finance (DOF) na umabot sa 797,000 trabaho ang nalikha dahil sa pagluluwag ng health protocols and restrictions noong nakaraang Disyembre.
Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, marami sa mga naging bagong trabaho ay sa mga sektor ng agrikultura at industriya.
Sa agrikultura, 673,000 trabaho ang nadagdag at 326 naman sa industriya.
Samantala, sa manufacturing sub-sector naman ay 325,000 trabaho ang nalikha.
Uni-unti na ring bumabalik ang mga nawalang trabaho sa sektor ng turismo at may 1,542 manggagawa sa mga hotel at ang bilang ay pinakamataas simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.
Ito, ayon sa DOF, ay higit pang pambawi sa 202,000 trabaho na nawala sa services sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.