Bago at pinakamalaking barko ng Navy, dumating na

By Kathleen Betina Aenlle May 17, 2016 - 12:17 AM

 

Mula sa Navy PIO

Natanggap na ng Philippine Navy ang kanilang kauna-unahang landing dock vessel na idinaong sa Pier 13 sa Maynila.

Ang strategic sealift vessel (SSV) Tarlac (LD-601) ay kayang mag-biyahe ng mahigit sa isang batalyon ng mga sundalo, dalawang rigid-hill inflatable boats, landing craft units at tatlong helicopters.

Ayon kay Philippine Navy fleet commander Rear Admiral Ronald Joseph Mercado, nagkatotoo na ang mga plano para sa kanilang mga pangangailangan upang matugunan ang maritime security at mga environmental challenges.

Isa ang SSV Tarlac sa dalawang barkong binili ng Pilipinas mula sa PT PAL sa Indonesia sa halagang P3.8 billion, at oras na ma-komisyon na ito sa serbisyo, tatawagin na itong BRP Tarlac.

Ang isa pang SSV ay darating sa May 2017.

May bigat na 7,300 tons ang SSV Tarlac, kabuuang haba na 120 meters, breadth na 21 meters, draft na five meters at kayang magsakay ng 2,800 tons.

Mayroon rin itong cruising speed na 13 knots, maximum speed na 16 knots, at minimum operating range na 7,500 nautical miles.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.