Pitong pulis, naka-recover na sa COVID-19; Isa bagong positibo
Patuloy ang pagbaba ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (March 2), isang pulis lamang ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.
Dahil dito, nasa 48,816 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Ngunit sa nasabing bilang, 17 na lamang ang aktibo pang kaso.
Samantala, pitong pulis naman ang gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,671 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.