Rose Nono Lin kinasuhan ng pandarambong sa Ombudsman sa Pharmally issue

By Chona Yu February 28, 2022 - 05:59 PM
Sinampahan ng kasong pandarambong  sa Office of the Ombudsman ng  Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK)  ang mga  negosyanteng sina Michael Yang at   Rose Nono Lin kumakandidatong Congresswoman ng QC 5th district , at iba pang opisyal ng Pharmally gayundin si PS- DBM Chief Christopher Lloyd Lao  kaugnay ng umanoy sabwatan sa pagbili ng mga medical supplies ng gobyerno kontra Covid 19 mula nang maganap ang pandemya sa bansa. Sa reklamong naisampa sa Ombudsman ni  John Lazaro ng  SPARK  kailangang mapagpanagot ng batas ang mga nabanggit dahil bilyong piso ang nalustay sa Pharmally  contract habang nagugutom at walang trabaho ang mas maramng mamamayan sa panahon na sumiklab ang COVID-19 pandemic. Sinabi ni Lazaro, sapat na napakita ng Blue Ribbon Committee  ng Senado sa kanilang imbestigasyon, sa mga testimonya, mga nagkokontrahang pahayag ng mga opisyal at mga malawak na nalakap na ebidensya mula na rin sa mga iba pang sangay ng gobyerno na merong sabwatang naganap sa naturang isyu. Kinuwestyon ng grupo kung bakit naibigay ang  kontrata sa isang bagong korporasyon na walang track record o lumalabas na “middle man” lang sa P8 bilyon  kontrata nna nakuha ng  Pharmally, ang kumpanyang wala umanong financial capacity na makuha ang kotrata sa gobyero. Kinondena din ng grupo ang patuloy na pagtatago at pag iwas ng mga akusado na maimbestigahan sa Senado . Ikinagalit ng grupo ang paggamit ng mga akusado sa korte at ospital gaya ni Rose Nono Lin na nagsabing magpapa opera nang maglabas ang Senado ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa makailang beses na pag isnab nito sa patawag ng Senado para  maimbestigahan sa naganap na iregularidad. Sa kasong ito, nasa kulungan ang mga sabit din sa kaso na sina  Linconn Ong at Mohit Dargani dahil sa pagtangkang pagtakas kaugnay ng kaso. Inerekomenda ng Spark sa  Ombudsman na dalhin na sa Sandiganbayan ang kaso at sampahan doon ng plunder  ang naturang mga persnalidad dahil lampas sa  P50 milyon ang nakuhang kontrata kaugnay ng sinasabing anomalya ng Pharmally.

TAGS: lloyd Lao, Michael Yang, ombudsman, Pharmally, Rose Nono-Lin, lloyd Lao, Michael Yang, ombudsman, Pharmally, Rose Nono-Lin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.