26 pang overseas Filipino, tinamaan ng COVID-19

By Angellic Jordan February 28, 2022 - 05:09 PM

May 26 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 28, nasa 25,116 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 107 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 8,803 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

51 naman ang bagong gumaling kung kaya 14,851 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,462 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,471 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,662 pa ring confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nanatili naman sa 1,096 ang kaso sa Americas at 6,887 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DFA COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DFA COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.