Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Aurora, nasa pito na lamang
Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Aurora.
Sa update ng Provincial Government ng Aurora hanggang February 27, pitong pasyente na lamang ang nananatili sa quarantine facility.
Sa naturang bilang, isang pasyente ang nasa Baler, apat sa Dipaculao, at dalawa sa Maria Aurora.
Walang bagong napaulat na kaso at COVID-related death.
Apat naman ang bagong gumaling sa nakahahawang sakit; isa sa Baler, dalawa sa Dinalungan, habang isa sa Dipaculao.
Sa ngayon, nasa 4,202 ang naitalang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Aurora, 245 ang nasawi, habang 3,950 ang naka-recover.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.