Rehimeng US – Duterte nagwaldas ng pondo ng bayan sa mga armas – NPA

By Jan Escosio February 28, 2022 - 09:13 AM

Tinuligsa ng New People’s Army – Bikol ang paggasta ng administrasyong Duterte ng P300 bilyon para sa Horizon 2 – AFP Modernization Program.

Sinabi ni Ka Raymundo Buenfuerza, ang tagapagsalita ng NPA-Bikol, ang halaga ay makakabili na ng 150 milyong sako ng bigas, P5,000 tulong pinansiyal sa 60 milyong pamilyang Filipino o pasuweldo sa 13,520 manggagawa.

Diin ni Buenfuerza, mas pinahalagahan pa ni Pangulong Duterte ang pagbili ng mga armas sa halip na ikunsidera ang kapakanan ng mamamayan.

Binanggit nito na sa ilalim ng administrasangg Duterte, dumami ang ‘aerial strikes’ na pumatay sa mga sibilyan, sumira ng bahay at kabuhayan ng mga mahihirap.

Dagdag pa ni Buenfuerza, sa Bicol Region, apat na aerial bombing ang ikinasa simula noong 2016 hanggang noong nakaraang Pebrero 22 nang bombahin ang isang komunidad sa Barangay Igang, Masbate City.

Sa mga pambobomba, 1,250 sibilyan ang napilitang lumikas.

TAGS: InquirerNews, NPABikol, RadyoInquirerNews, InquirerNews, NPABikol, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.