Crypto market, bagsak kasabay ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine

By JC Cuadra/Contributor February 24, 2022 - 05:48 PM

Reuters photo

Bumagsak ang buong crypto market kasabay ng deklarasyon ni Russian President Vladimir Putin ukol sa military operation sa Ukraine, araw ng Huwebes (February 24, 2022).

Walong porsyento ang ibinagsak ng pinakamalaking cryptocurrency na bitcoin (-8.19 porsyento) at nakapagtala ng 34,900 USD o P1.7 milyon bilang pinakamababa nitong halaga sa araw ng Huwebes.

Bumaba rin ang pangalawa sa pinakamalaking cryptocurrency sa mundo na Ethereum (-12.02 porsyento) at umabot sa 2,300 USD o P119,000 ang pinakamababa nitong halaga.

Ayon kay Mudrex CEO Edul Patel, bumagsak ng 191 porsyento ang global trading volume ng crypto matapos ang anunsyo ng giyera sa pagitan ng dalawang bansa. Inaasahan ni Patel na tatagal ang pagbagsak ng crypto coins ng ilang linggo.

Dahil ito sa takot ng investors sa maaring economic effect ng hidwaan sa patigan ng Russia at Ukraine.

Maging ang ibang alternative coins o altcoins tulad ng BNB (-10.86 porsyento), XRP(-11.69 porsyento), SOL (7.92 porsyento), ADA (-15.81 porsyento), LUNA (-6.92 porsyento), AT AVAX (-13.89 porsyento) ay bumaba ang halaga.

TAGS: Bitcoin, BUsiness, Crypto, CryptoMarket, ethereum, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Russia, Ukraine, Bitcoin, BUsiness, Crypto, CryptoMarket, ethereum, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Russia, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.