Kinumpirma ni presumptive President Rodrigo Duterte na may naghihintay na pwesto sa kanyang pamahalaan ang kinatawan ng Communist Party of the Philippines.
Kabilang sa mga pinag-aaralan niyang ibigay sa CPP ay posisyon sa Department of Labor and Employment, Department of Environment and Natural Resources at Department of Agrarian Reform.
Ipinaliwanag ni Duterte na gusto niyang matutukan ang mga ahensya na naglilingkod sa mga mahihirap na mga Pinoy.
Sa kanyang kauna-unang public appearance makalipas ang halalan, muling sinabi ni Duterte na dalawang posisyon sa pamahalaan ang naghihintay sa kanyang ka-tandem na si Sen. Alan Peter Cayetano.
Kabilang dito ang pagiging kalihim ng Department of Justice o Department of Foreign Affairs.
Tiniyak din ng incoming president na dadaan sa pagbusisi ng kanyang grupo ang lahat ng mga mailalagay sa lahat ng mga posisyon sa gobyerno.
Nilinaw din ni Duterte na hinding-hindi niya papansinin ang anumang uri ng job application na may endorsement ng mga pulitiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.