Magulang ng mga batang pakalat-kalat sa lansangan paglagpas ng 10PM, ipa-aaresto ni Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2016 - 01:32 PM

Ipa-aaresto ni presumptive President Rodrigo Duterte ang magulang ng mga batang pakalat-kalat sa lansangan paglagpas ng alas 10:00 ng gabi.

Ayon kay Duterte, ipatutupad niya sa buong bansa ang 10 p.m. curfew para sa mga “unescorted minors”.

Ang magulang aniya ang aarestuhin dahil sa pag-abandona sa kanilang anak.

Paliwanag ng alkalde, matapos maisailalim sa kostodiya ng concerned agencies ang bata, ay iuutos niyang dakpin ang magulang.

Noong nakaraang taon, dalawang ina sa Davao City ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 7610, o an act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse.

Ito ay matapos matagpuan ang kanilang anak na natutulog sa lansangan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.