Kapangyarihan ng LGU, mas lalakas sa ilalim ng pederalismo ayon kay dating Senador Nene Pimentel
Mas lalakas pa ang local na pamahalaan kung gagawing pederalismo ang sistema ng gobyerno.
Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni dating senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na kilala bilang “Ama ng Local Government Code”.
Ayon kay Pimentel na siya ring fouder ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang nasabing sistema ng gobyerno ay magbibigay ng mas malakas na kapangyarihan sa LGUs.
“Pupunta na tayo sa federalismo na ating naiisip, mas makadagdag yun sa kapangyarihan ng ating gobyernong lokal,” sinabi ni Pimentel.
Ani Pimentel, kung matutuloy, ang kasalukuyang Local Government Code, na si Pimentel ang siyang author, ay mas lalo pang lalawig ay ang mga rehiyon ay mas magkakaroon ng malaking pondo.
Paliwanag ni Pimentel, mas mapapadali din na makuha ng mga lalawigan ang mga kinakailangan nilang tulong.
Ayon kay Pimentel, sa ilalim ng federal form of government, ang Pilipinas ay posibleng mahati sa tatlo hanggang apat na federal states per island group.
Bawat federal state aniya ay maghahalal ng kani-kanilang senador habang mananatili ang elected officials ng bawat lalawigan.
Nilinaw ni Pimentel na hindi naman ma-aabolish ang mga probinsya kaya ang mga provincial officials ay walang dapat na ipangamba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.