COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bumagsak sa 4.9 percent
By Chona Yu February 22, 2022 - 01:52 PM
Patuloy na bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David, OCTA Research fellow, nasa 4.9 percent na lamang ang positivity rate, mas mababa sa five percent threshold na inirekomenda ng World Health Organization.
Nanatili aniya sa low risk ang Metro Manila maging ang Batangas, Cavite, Laguna,at Rizal.
Lumagapak aniya sa very low risk classification ang Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.