Bangsamoro people, patuloy na makakatanggap ng suporta – Moreno
Tiniyak ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno na patuloy na makatatanggap ng suporta sa pamahalaan ang Bangsamoro people.
Ito ay kung papalarin si Moreno na manalong Pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.
Sa pangangampanya ni Moreno sa Maguindanao, sinabi nito na hindi matitinag ang autonomy ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
“Kung saka-sakali kung mapanghahawakan ninyo ang salita ko na kayo dito sa BARMM pumanatag kayo katulad nung sinabi ni Gov. Toto (Mangudadatu) kanina, ni vice-governor na yung batas na umiiral para sa maayos na proseso ng kapayapaan at kaunlaran para sa pamilyang Muslim dito sa atin sa Mindanao then isusulong ko yun,” pahayag ni Moreno.
Nasa BARMM si Moreno para sa mass oath-taking ng 20,000 miyembro ng United Bangsamoro Justice Party na pinamunuan ni Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, dating Maguindanao 2nd District Rep. Zajid Dong Mangudadatu, dating Buluan Mayor Ibrahim “Jong” Mangudadatu at dating Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema.
“Nakita mo ang mga commentaries ko kanina? Ang maganda lang dito mangongopya na lang ako, ipatutupad ko na lang, diba? Kumbaga may meeting of minds and technically and specifically may agreement na. So, ang tanging gagawin ko na lang makamit ng mga tao yung nilalaman nung batas, o lider ang mag iimplementor at yun naman ang commitment. We will always seek for peace for purposes ng prosperity ng tumaas naman ang antas ng pamumuhay ng tao. Kung yung ibang kandidato na sinasabi mo ayaw sa mga Muslim eh desisyon nila yun,” pahayag ni Moreno.
Tinatayang nasa 50,000 na tagasuporta ni Moreno ang dumalo sa pagtitipon.
“Sa akin ang gobyernong ipararamdam natin sa tao gobyernong Mindanao, Visayas, Luzon; mahirap, middle class, mayaman. Gobyernong pantay-pantay sa mata ng pamahalaan. May equal opportunity and that’s the only way to achieve the long-lasting peace and prosperity in all corners, islands of our country and I will do that, may awa ang Diyos. Bigyan ako ng lakas ng pangangatawan at bigyan ako ng pagkakataon ng Diyos at taong bayan matutupad yung pangarap nila. Nasasanla naman ang laway ko eh,” pahayag ni Moreno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.