Survey: PASAHERO Partylist pasok sa May election ‘winning circle’
Napasama ang PASAHERO Partylist sa mga mananalo sa papalapit na eleksyon.
Base ito sa isinagawang survey ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) noong nakaraang Enero 22 hanggang Enero 30.
Lumabas na nakakuha ng 1.33 porsiyento ang grupo at sapat para makakuha ng puwesto sa Mababang Kapulungan.
Sinabi ni PASAHERO Partylist founder Robert Nazal ang resulta ang nagpalakas pa lalo ng loob sa kanila bukod sa nagsilbing motibasyon na lubos na maipaliwanag ang kanilang adhikain at adbokasiya.
Pinasalamatan na rin ni Nazal ang publiko sa suporta na ibinibigay sa kanila at nangako na mas lalo pang pagbubutihin ang pagsisilbi kapag nabigyan ng puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Ito ang inspirasyon namin ngayon – ang tiwala ng ating nga kababayan. Kaya nagsisikap kaming mas mapalakas pa ang aming kampanya sa pamamagitang ng pagsusulong sa aming mga programa at mga plano para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino,” dagdag pa ni Nazal.
Samantala, ayon naman kay partylist co-founder Allan Yap, mas paiigtingin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa mamamayan para maipaintindi ng husto ang kanilang layunin na makapagsilbi sa lahat.
Hangad ng grupo na maisulong sa Kamara ang kapakanan hindi lamang ng mga tricycle drivers kundi maging ang mga pasahero.
Prayoridad ng PASAHERO na magkaroon ng Magna Carta of Commuters o ang Commuters Bill of Rights para mapagtibay pa ang mga karapatan ng mga mananakay.
Naniniwala ang grupo na dapat maging prayoridad ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero para matiyak na walang magiging aberya sa kanilang pagbiyahe.
Magugunita na kamakailan, hiniling ng PASAHERO na mapalawig ang bisa ng driver’s license at special permits bagay na pinagbigyan naman agad ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.