1,923 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas
Patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
May naitalang 1,923 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (February 19), pumalo na sa 3,650,748 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 62,533 o 1.7 porsyento ang aktibong kaso.
Nasa 198 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,607 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,158 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,532,608 o 96.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.