Apat na magkakasunod na sunog, sumiklab sa magkakahiwalay na lugar sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas May 16, 2016 - 07:41 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Apat na magkakasunod na sunog ang naganap sa Quezon City simula kagabi hanggang ngayong umaga.

Unang naganap ang sunog sa Camaro sa Barangay Fairview sa Quezon City pasado alas 7:00 ng gabi kagabi.

Agad itong nasundan ng sunog sa Barangay UP Campus sa Diliman pasado alas 9:00 ng gabi kagabi.

Ayon sa Quezon City Fire Department, limang bahay ang naapektuhan ng sunog sa Barangay UP na nagsimula sa isang sumiklab na LPG.

Bago naman mag alas 4:00 ng umaga kanina, nasunog ang dalawang unit ng apartment sa Barangay San Isidro sa nasabi ring lungsod.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago tuluyang maapula alas 4:17 ng umaga.

Samantala, bago mag alas 6:00 ng umaga, sumiklab ang ikaapat sunog sa bahagi ng Aurora Boulevard sa Project 3, Quezon City.

Alas 6:16 ng umaga nang itaas sa 4th alarm ang sunog sa isang tatlong palapag na gusali at sa ngayon ay kontrolado na ang apoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.