Lacson, Sotto: Oplan Baklas ng Comelec dapat pantay ang pagkasa!

By Jan Escosio February 19, 2022 - 07:52 AM

Inirerespeto ni presidential aspirant Panfilo Lacson ang mga resolusyon na inilalabas ng Commission on Elections (Comelec).

Reaksyon ito ni Lacson sa pahayag ng Comelec na bukas sila na suriin ang mga itinakda nilang panuntunan sa pangangampaniya kaugnay sa papalapit na eleksyon.

“Sila ang regulatory body, sila ang nag-iimplement, sila ang naglalabas ng resolusyon. We should respect them. Kami we can just appeals. Kung hindi ka naniniwala o naniniwala, kailangan sumunod ka,” sabi pa ni Lacson.

Ngunit diin ng standard-bearer ng Partido Reporma kailangan din isipin ng Comelec kung ang mga inilalabas nilang resolusyon ay maipapatupad.

“If yun ang final decision, we will abide. Ang problema dito, is it implementable? Kung iimplement sa isang grupo, implement sa lahat. Pantay-pantay dapat lahat,” sabi pa nito.

Puna naman ni vice presidential aspirant Tito Sotto III marami pa ring nagkalat na oversized campaign posters na wala rin sa common poster areas na itinakda ng Comelec.

Ibinahagi din ng dalawa na maging sila ay  nabiktima ng Oplan Baklas ng Comelec ngunit ikinabit ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang campaign posters na nasa mga pribadong istraktura.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.