Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Occidental, Biyernes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 233 kilometers Southeast ng Balut Island, munisipalidad ng Sarangani.
Naramdaman ang pagyanig dakong 3:10 ng hapon.
May lalim ang lindol na 105 kilometers at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala nasabing lugar at mga karating-bayan.
Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.