Sen. Leila de Lima: Campaign posters sa private property itinuturing na ‘freedom of expression’

By Jan Escosio February 18, 2022 - 05:10 AM

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senator Leila de Lima sa naging aksyon ng Commission on Elections (COMELEC) sa campaign materials na ikinabit ng mga tagasuporta ng mga kandidato sa kanilang sariling bakuran.

Hinikayat nito ang COMELEC na suriin at rebyuhin ang kanilang mga regulasyon na nagpapahirap sa mga kandidato maging sa mga botante.

“The right of citizens to express their electoral preferences through material posted, hung or otherwise set up on their own property and made visible publicly is protected speech,” ang pagbabahagi ni de Lima, na dating election lawyer.

Dagdag pa nito ang mga campaign materials sa mga pribadong istraktura ay hindi sakop ng regulasyon ng Comelec.

Sabi pa ng reelectionist senator ang pamantayan sa sukat ng campaign poster ay maari lamang itakda sa mga kandidato sa common poster areas at pribadong istraktura kung pumayag ang may-ari.

Pagdidiin niya ang pagpapahayag ng isang indibiduwal sa loob ng kanyang pag-aari ay hindi kailanman saklaw ng kapangyarihan ng Comelec.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.