Philreca, NCECCO humirit kay Sec. Cusi na magbitiw sa pwesto

By Chona Yu February 16, 2022 - 03:56 PM

Humihirit ang Philippine Rural Electric Cooperatives. Inc. (Philreca) at National Center of Electric Cooperative Consumers, Inc. (NCECCO) kay Energy Secretary Alfonso Cusi na magbitiw na sa puwesto sa lalong madaling panahon.

Ito ay dahil sa umano’y maanomalyang pagbenta sa shares ng Malampaya gas field.

Ayon sa grupo, dapat na ring magbitiw sa puwesto si National Electrification Administration (NEA) Chief Emmanuel Juaneza dahilan sa anila’y hindi kayang pangasiwaan ang posisyon.

Ayon kay dating NEA administrator Edgardo Masongsong na ngayo’y pinuno ng NCECCO, dapat magbitiw sa kanyang puwesto si Cusi dahil ito ang nasa likod ng umano’y maanomalyang paglipat ng shares sa Chevron-UC Malampaya kahit hindi financially qualified ang UC Malampaya na pumasok sa transaksyon sa Chevron.

Anya, ilang mayayamang negosyante lamang ang nakinabang sa naturang transaksyon sa halip na ang mamamayang Filipino.

Ginawa ni Manongsong ang pahayag nang manawagan si Senador Win Gatchalian, Senate Committee on Energy chairman na mag-resign sa puwesto si Secretary Cusi dahil sa umano’y railroading na naganap sa pagbebenta ng Malampaya project, ang tanging indigenous gas field ng bansa.

Si Masongsong ay nawala sa NEA nang patalsikin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon dahil sa umano’y isyu ng korapsyon.

TAGS: AlfonsoCusi, Edgardo Masongsong, Emmanuel Juaneza, InquirerNews, Malampaya gas field, NCECCO, NEA, Philreca, RadyoInquirerNews, AlfonsoCusi, Edgardo Masongsong, Emmanuel Juaneza, InquirerNews, Malampaya gas field, NCECCO, NEA, Philreca, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.