Comelec, nagpaalala sa mga kandidato ukol sa pagsunod sa physical campaign guidelines
Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato ukol sa mga itinakdang panuntunan sa physical campaign para sa 2022 National and Local Elections.
“It has been brought to our attention that several campaign sorties conducted since the campaign period started have not been compliant with the mandatory face mask and face shield policy, as well as the strict physical distancing requirements,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Aniya, responsibilidad ng mga kandidato ang kaligtasan ng kanilang mga staff at tagasuporta.
Lahat ng dadalo sa mga in-person campaign activities ay kinakailangang magsuot ng full-coverage face shield at face mask. Kailangan ding sundin ang minimum public health standards sa lahat ng oras.
“Having said that, the COMELEC reiterates that violations of the physical campiagn guidelines are being strictly monitored by the respective campaign committees in every locality, under the guidance of the National COMELEC Campaign Committee (NCCC) headed by Commissioner Rey Bulay, and with the cooperation of the Department of Health (DOH),” dagdag nito.
Ituturing bilang election offense o paglabag sa minimum public health standards (MPHS) ang hindi pagsunod sa mga panuntunan sa election-related activities.
Sa election offense, mapaparusahan ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon nang walang probation. Sa paglabag naman sa MPHS, pagmumultahin ng hindi bababa sa P20,000 ngunit hindi hihigit sa P50,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang buwan hanggang anim na buwan, o pareho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.