Legarda, tiniyak na pag-iibayuhin ang trabaho at pagtugon sa pandemya
Inihayag ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na mas pag-iibayuhin niya ang kaniyang trabaho at pagtugon sa mga pangunahing problema sa gitna ng COVID 19 pandemic.
Kasunod ito ng inilabas na resulta ng Pulse Asia survey kung saan pumangalawa siya senatorial race.
Nagtabla sa ranking ang three term senator at si Cong. Alan Peter Cayetano na kapwa may 99 percent awareness ng mga botante
Nakakuha si Legarda ng 58.0 porsyentong voting preference ng mga respondent habang 58.2 porsyento naman si Cayetano.
Dahil dito, nagpasalamat si Legarda sa mga Filipinong patuloy na nagtitiwala at nagbibigay kumpiyansa sa kanyang kakayahan na magsilbing muli bilang Senador.
Matatandaang dalawang beses nanguna si Legarda sa senatorial race noong 1998, kung saan nakakuha ng 15 milyong boto, at 2007 na may 18.4 milyong boto.
Si Legarda rin ang tanging babaeng mambabatas na nagsilbi bilang Senate majority leader sa kanyang termino.
Ilan sa mga ginawang batas nito ang Clean Air Act, Solid Waste Management Act, Climate Change Act, at Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act.
Narito naman ang mga isusulong na batas ni Legarda sakaling manalo bilang senador:
– One Tablet, One Student Act na magkakaloob ng libreng gadgets sa mga mag-aaral na magiging tulong sa kanilang pag-aaral at internet allowance
– Amendments sa PESO Law upang isama sa mandato ang entrepreneurship support at paglalagay ng barangay counterpart ang PESO officers
– Magna Carta for Public Schools teachers; Magna Carta for private schools teachers
– Batas na naglalayong maitaas ang sweldo ng mga guro na kanyang isinulong simula pa noong 14th Congress sa Senado
– Institutionalization ng Special Risk Allowance para sa lahat ng health workers, pampubliko man o pribado na frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.