Dagdag na 20-percent capacity sa mga establisyemento sa mga lugar sa Alert Level 4 pababa, aprubado na
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IAFT) ang hirit ng mga may-ari ng establisyemento na dagdagan ng 20 porsyento ang operational capacity sa mga lugar na nasa Alert Level 4 pababa.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, kinakailangang tiyakin lamang na 70 porsyento sa mga matatanda at immunocompromised individuals ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay Nograles, pinayagan din ng IATF ang mga establisyemento na magdagdag ng 10-percent capacity kung mayroong Safety Seal Certificate.
Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan ang mga establisyemento na mag-operate ng 30-percent capacity sa indoor habang sa Alert Level 2 naman ay nasa 50-percent capacity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.