Mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19, tuturukan sa tainga
Nagmamakaawa na si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.
Ito ay para tuluyang magapi ang pandemya at makabalik na sa normal na pamumuhay ang bawat isa.
Sa ‘Talk to the People,’ sinabi ng pangulo na ang pagbabakuna ang bukod tanging paraan para matuldukan ang pandemya.
“Eh napakatigas ang ulo ninyo eh. So patigasan tayo nito. Kung matigas ang ulo mo, na mas lalo na akong matigas rin. Huwag tayong magtigas-tigasan because I am pleading to you, in behalf of government na mahinto na sana itong COVID. And the only way to do it is if most or not all Filipinos are vaccinated,” pahayag ng Pangulo.
Aminado ang Pangulo na hindi pa nakakamit ng bansa ang herd immunity.
“Wala pa tayo diyan sa herd immunity. Do not… Baka mag-ano lang kayo sa herd immunity na mayroon na. The COVID is here and it can in — afflict everybody. No one is still safe. You have to avoid, wear a mask, and listen to what government says,” pahayag ng Pangulo.
Banta ng pangulo sa mga ayaw magpabakuna, iturok sa tainga.
“For those who are not yet vaccinated, paki ano lang, pakibakuna lang. Kasi ‘pag hindi, ako ang pupunta diyan sa inyo, ituturok ko ‘yang bakuna sa tainga mo, palusutin ko doon sa kabila,” dagdag ng Pangulo.
Paulit-ulit ang pakiusap ng pangulo na huwag nang pahirapan ang sarili at magpabakuna na.
“Iyon lang paulit-ulit ako nakikiusap sa mga tao na ‘yun naman sanang hanggang ngayon hindi pa nabakuna, huwag nilang pahirapan ang sarili nila balang araw, mga anak, and your neighbors of contaminating them pagka tinamaan kayo. Kaunting sakripisyo ‘to, it could be because of your belief or just outright indifference,” pahayag ng Pangulo.
Sa ngayon, nasa 61 milyong Filipino na ang fully vaccinated sa Pilipinas.
Nasa mahigit 61 milyon naman ang nabigyan na ng first dose habang mahigit siyam na milyon ang nabigyan ng booster shots.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.