‘Build, Build, Build’ program sa Samar, itutuloy ni Moreno

By Chona Yu February 15, 2022 - 02:47 PM

Manila PIO photo

Tiniyak ni Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na itutuloy niya ang “Build, Build, Build” program sa probinsya ng Samar.

Ginawa ni Moreno ang pahayag sa pangangampanya sa Samar nitong weekend.

“Alam mo ang Samar, correct me if I’m wrong, for the past 60 years walang na-elect dito na national official. I mean in a national level, walang senador ‘to, walang vice president ‘to, wala pa kayong presidente, 60 years mahigit. I think the last time was in the 1950s. My point baka napapanahon naman na, itong Waray-Waray nating mga kababayan, kahit anong kulay ng partido nila sa lokal, baka naman pwede nyong pagkaisahan? Yung anak ng Waray, di ba?,” pahayag ni Moreno.

Ayon kay Moreno, galing sa Allen, Northern Samar ang kanyang inang si Rosario “Nanay Chayong” Moreno.

“Bakit napag-iwanan? Ang Samar isa sa pinakamahirap na bayan na probinsya dahil sa again and again, basta ako straight-forward facts lang, 21 years binigyan natin ng pagkakataon yung pula, good for them, nakaraan na ‘yon. Eighteen years, binigyan natin ng pagkakataon mga dilaw, okay na ‘yun, nagdaan na yun. Twenty-one plus 18, bale 39 years kumusta naman kayo? Yan ang sagutin ninyo. Kaya kung gusto niyo maiba naman, kami ni Doc Willie, ni Samira Gutoc, ni Carl Balita, ni Jopet Sison nag-aapply ng trabaho, pagbubutihan po namin, maiba naman,” pahayag ni Moreno.

Sakaling manalong pangulo ng bansa, pangako ni Moreno na tugunan ang pagkagutom ng mga Filipino, unemployment, at social justice.

“Syempre ang gagawin natin kung tayo ay nasa pandemya pa syempre yung ayuda katulad ngayon na ginagawa namin sa Maynila maitawid lang natin yung ating mga kababayan, naipangako ko na yun na kung anong nangyari sa Maynila patungkol sa ayuda, itutuloy natin sa buong Pilipinas. O yun namang minimum basic needs, ospital, for example yung Bagong Ospital ng Maynila, 10-storey fully-air-conditioned hospital gagawa tayo nakausap ko nag-agree na kami ni Doc Willie at ng mga kasama na maglalagay kami ng 17 na 10-story fully- air-conditioned with equipment public free hospital,” pahayag ni Moreno.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, IskoMoreno, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.