Duque hindi malilimutan ng mga Pinoy

By Chona Yu February 15, 2022 - 08:19 AM

PCOO photo
Sa kabila ng kaliwa kanang batikos dahil sa umanoy palpak na pagtugon sa pandemya sa COVID-19, pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III. Sa Talk to the People kagabi, sinabi ng Pangulo na maayos na nagampanan ni Duque ang kanyang tungkulin. Katunayan, sinabi ng Pangulo na hindi malilimutan ng mga Filipino ang ginawa ni Duque. Isang malaking sakripisyo aniya ang ginawa ni Duque. Sinabi pa ng Pangulo na makailang beses niyang hiniling kay Duque na manatili sa puwesto sa kabila ng mga batikos at panawagan na magbitiw sa tungkulin. Matatandaang ilang mambabatas na ang nanawagan kay Duque na magbitiw sa puwesto dahil sa palpak na pagtugon sa pandemya sa COVID-19. Binatikos din si Duque dahil sa hindi maayos na pag hawak ng pondo ng DOH.

TAGS: COVID-19, Health Secretary Francisco Duque, hindi malilimutan, Rodrigo Duterte, sakripisyo, COVID-19, Health Secretary Francisco Duque, hindi malilimutan, Rodrigo Duterte, sakripisyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.