Batangas, Cavite, Laguna nanatili sa ‘moderate risk’ category sa COVID-19 – OCTA
Nanatili sa ‘moderate risk’ status sa COVID-19 ang ilang lalawigan sa Region 4A Calabarzon, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang February 13, nasa ‘moderate risk’ pa rin ang Batangas, Cavite, at Laguna dahil sa mataas na positivity rates.
“Laguna is expected to move to low risk classification within the next few days, while Cavite and Batangas could also move to low risk status soon,” saad pa ni David.
Nanatili naman sa ‘low risk’ category ang Quezon at Rizal, kasama ang National Capital Region (NCR).
Lumabas sa datos na nakapagtala ang NCR ng -63 percent na one-week growth rate sa mga kaso, -55 percent sa Batangas, -59 percent sa Cavite, -61 percent sa Laguna, -65 percent sa Quezon, at -62 percent sa Rizal.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 14, nasa 76,609 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.