Barangay Chairman, patay matapos barilin sa Laurel, Batangas
Patay makaraang barilin ang isang sisenta’y dos anyos na Barangay Chairman ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Laurel lalawigan ng Batangas.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nejemias Ariola, Kapitan ng Barangay Leviste.
Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi na sana si Ariola sa kanyang bahay sakay ng motorsiklo nang tambangan sa harapan ng tindahan kung saan siya namili.
Kagya’t namang tumalilis ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo matapos pagbabarilin si Ariola ng makailang beses.
Tama sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.