Presyo ng gasolina at diesel, inaasahang gagalaw ngayong darating na linggo
Posibleng magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng adjustment bsa presyo ng gasolina at diesel ngayong darating na linggo.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Energy, batay sa natatanggap nilang ulat mula sa iba’t ibang oil companies.
Ayon kay Melot Obillo, director ng DOE Oil Management Bureau, inaasahan nila na matatapyasan ang presyo ng gasolina at tataas naman ang presyo ng diesel ngayong darating na linggo.
Maglalaro aniya ang price adjustments simula 0.15 hanggang 0.25 centavos.
Sinabi rin ni Obillo na ang nasabing adjustments ay dahil sa pag-galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.