Ping Lacson – Tito Sotto tandem umikot sa Davao del Norte
Sa isa pa nilang teritoryo umikot ang tambalan nina Panfilo Lacson at Tito Sotto.
Maituturing na teritoryo ng dalawa ang Davao del Norte dahil kina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Gov. Edwin Jubahib.
Unang nagtungo ang dalawa sa Panabo Multipurpose Tourism Cultural and Sports Center, kung saan sinalubong sila ng mga alkalde ng lalawigan at halos 2,000 supporters.
Sinabi ni Jubahib sa kanyang mga kababayan na ang bansa ay nangangailangan ng mga hindi tiwali at busilak ang intensyon na pamunuan ang bansa.
Ipinaliwanag naman ni Sotto ang kanilang plataporma na ang layon ay wakasan ang katiwalian sa gobyerno at bigyang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng kanilang pondo.
Sa bahagi naman ni Lacson sinabi nito na ang pangunahing layon niya ay makabuo ng isang mahusay at matatag na gobyerno para sa susunod na henerasyon.
Kasama nina Sotto ang kanilang senatorial candidates na sina Monsour del Rosario, dating Agriculture Sec. Manny Piñol at Dra. Minguita Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.