WHO, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan vs COVID-19 ang kanilang mga anak
Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Acting World Health Organization (WHO) Philippines Representative Dr. Rajendra Yadav na ligtas ang mga bakuna para sa mga bata.
“These vaccines are very safe. They should not create unnecessary panic among parents by spreading misinformation,” saad nito.
Wala aniyang napaulat na nagdulot ang Pfizer COVID-19 vaccine ng anumang side effect kumpara sa ibang bakuna.
“If you don’t vaccinate our children, they are also likely to develop severe COVID-19 and die, especially if they have comorbidities,” dagdag nito.
Samantala, umapela rin ang WHO sa mga lokal na opisyal na ipagpatuloy ang pagbabakuna sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa mga nakatatanda, dahil posible pa rina aniyang makaranas ng COVID-19 surge sakaling magkaroon ng panibagong variant ng nakahahawang sakit.
Ani Yadav, kabilang sa mga lugar na maraming senior citizens na hindi pa bakunado ang Cebu, Negros Occidental, Batangas, Cavite, at Bulacan.
Giit nito, “Vaccinating all our people is one of the most impactful ways to save lives during this pandemic.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.