Special election sa Antique at Lanao del Sur, ipinagpaliban.
Ipinagpaliban ng Commission on Election (COMELEC) ang nakatakda sanang special elections sa Antique at Lanao del Sur ngayong sabado (May 14, 2016) at iniurong ito sa darating na Lunes (May 16, 2016).
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, ipinagpaliban ang special elections dahil na rin sa usapin sa balota at pangseguridad.
Paliwanag ng opisyal, nagkulang umano ng balota sa Antique habang nagkaroon ng ballot snatching sa Lanao del Sur na nagdulot ng pagkaantala ng botohan.
Kabilang sa postponement ang mga lugar ng Barangay Mabuyong, Anini-y, Antique — 1 clustered precinct.
Barangay Insubuan, San Remigio, Antique — 1 clustered precinct. Tamparan, Lanao del Sur — 1 clustered precinct.
Base sa COMELEC Reso 10137 na ipinalabas ngayon araw (May 14, 2016) ang Special Elections sa mga nabanggit na presinto sa Antique ay itinakda sa 16 May 2016, at pwedeng bumoto simula 5 AM hanggang 6 PM.
Samatanla natuloy naman ang special elections sa ilang bayan sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.