Bilang ng mga walang trabahong Filipino, umakyat sa 3.27-M – PSA

By Angellic Jordan February 10, 2022 - 11:08 AM

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ng PSA na nasa 6.6 porsyento ang unemployment rate o katumbas ng 3.27 milyong Filipino na walang trabaho sa bansa noong December 2021.

Mas mataas ang nasabing datos kumpara sa 6.5 porsyento o 3.16 milyong napaulat noong November 2021.

Iniulat din ni PSA National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa na nasa 6.81 milyon ang underemployed na indibiduwal noong December, mas mababa sa 7.62 milyon na datos noong November.

Base sa month-on-month change, nadagdagan ng mga naka-employ na indibiduwal sa agriculture and forestry (1.07 milyon); manufacturing (325,000); human health and social work activities (165,000); transportation and storage (146,000): at administrative and support service activities (127,000).

Pinakamarami namang nabawas na trabaho sa sektor ng fishing and aquaculture.

TAGS: InquirerNews, JoblessFilipinos, psa, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JoblessFilipinos, psa, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.