Suspek sa TikTok death threat kay BBM sumuko, itinanggi ang krimen

By Jan Escosio February 09, 2022 - 09:07 PM

Madiin ang pagtanggi ni Ruel Ricafort na pag-aari niya ang TikTok account kung saan napanood ang balak na pagpatay kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Ricafort kasama ang kanyang abogado para pabulaanan na siya ang nagbanta sa dating senador.

“Actually yung account pong iyon hindi po akin yun,” sabi ni Ricafort, na sinabi din na kinuha ang kanyang profile picture sa kanyang Facebook account at ginamit ito sa paggawa naman ng TikTok account.

Wala din aniya siyang ideya kung sino ang gumawa ng TikTok account gamit ang kanyang pangalan.

Dagdag pa niya nalaman na lamang niya sa ibang tao na pinagbantaan niya si Marcos.

Hinamon naman ni NBI Deputy Dir. Ferdinand Lavin si Ricafort na isumite sa kanila ang lahat ng mobile phones at gadgets para masuri sa pamamagitan ng forensic examination.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.