Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, tumaas sa 75 porsyento – SWS
Tumaas ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas sa survey na 75 porsyento sa adult Filipinos ang ‘satisfied,’ siyam na porsyento ang ‘undecided,’ habang 15 porsyento naman ang ‘dissatisfied’ sa performance ng pangulo.
Mas mataas ito ng walong porsyento ang gross satisfaction ng Punong Ehekutibo kumpara sa 67 porsyentong naitala noong September 2021.
Dahil dito, sinabi ng SWS na nasa kategoryang ‘very good’ ang Pangulo.
Nasa +61 o ‘very good’ naman ang net statisfaction rating ni Pangulong Duterte sa mga fully vaccinated na indibiduwal, +63 o ‘very good’ sa mga nakatanggap ng first dose, habang +67 o very good sa mga handang magpabakuna.
Batay pa sa SWS, nasa +47 o ‘good’ ang satisfacting rating ng Pangulo sa mga ‘undecided’ pang magpabakuna, at +29 o ‘moderate’ sa mga hindi handang magpabakuna laban sa COVID-19.
Tumaas din ang net rating ng Pangulo sa lahat ng lugar sa bansa, maliban lamang sa Visayas.
Isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa mula December 12 hanggang 16, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.