De Lima: Susunod na administrasyon tututok dapat sa ekonomiya at sagip buhay
Pagpapatibay muli ng ekonomiya ang dapat na pagtuunan ng pansin ng susunod na administrasyon.
Ito ang sinabi ni Senator Leila de Lima sa katuwiran na grabe ang epekto ng pandemya dala ng COVID 19 sa kabuhayan ng tao, kasama na sa bansa.
Sinabi pa niya na ang mga susunod na mamumuno sa bansa ay dapat tiyakin na patuloy na mabubuhay ang mga negosyo kahit may pandemya.
“This means ensuring that the testing, tracing, and control of infection must remain in the government program for foreseeable future until the WHO has declared this pandemic under control,” aniya.
Dapat aniya matiyak ng gobyerno na magpapatuloy ang suplay ng bakuna sa bansa para patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao.
Hanggang noong nakaraang Nobyembre, lumubo sa P13.4 trilyon ang utang ng administrasyong-Duterte para matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.