Pinsala ng El Niño sa mga pananim mas lumawak ayon sa DA
Umabot na sa P2.4 Billion ang halaga ng mga pananim na nasira sa Northern Mindanao dahil sa patuloy na pananalasa ng El Niño phenomenon.
Sa kanyang ulat, sinabi ni Department of Agriculture Regional Spokesman Mary Grace Sta. Elena na pananim na mais pa lamang ay umaabot na sa P1 Billion ang lawak ng pinsala.
Umabot na rin sa 20,561 na mga magsasaka ang direktang apektado ng El Niño sa Hilagang Mindanao.
Isina-ilalim naman sa state of calamity ang mga lalawigan ng Bukidnon, Camiguin at Lanao del Norte kasama ang bayan ng Claveria sa lalawigan ng Misamis Oriental.
Iniulat din ng Agriculture Department na umaabot na sa P177 Million ang nailabas nilang pondo para sa mga magsasakang apektado ng tag-tuyot.
Sa pahayag naman ng PAGASA, kanilang sinabi na posibleng matapos na ang pananalasa ng El Niño sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo kasabay ang babala sa pananalasa ng La Niña o grabeng mga pag-ulan bago matapos ang taong kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.