30,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na sa Sta. Ana Hospital
Dumating na ang 30,000 doses ng COVID-19 vaccine na Pfizer sa Sta. Ana Hospital, araw ng Sabado, February 5.
Ilalaan ang naturang bakuna para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang.
Ayon sa Manila Public Information Office, sisimulan ang pagbabakuna sa naturang age group sa Manila Zoo sa Lunes, February 7.
Sa datos hanggang February 4, nasa 18,488 na bata ang nakapagparehistro na upang makiisa sa bakunahan.
Maaring magparehistro para sa COVID-19 vaccination ng pediatric population sa manilacovid19vaccine.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.