Special elections sa ilang lugar sa Vis-Min umarangkada na
Nagsimula na kaninang alas sais ng umaga ang special elections para sa ilang mga clustrerd precincts sa Visayas at Mindanao na deklaradong nagkaroon ng failure of elections noong May 9.
Isyung may kaugnayan sa seguridad ang siyang dahilan kung bakit hindi natuloy ang eleksyon noong isang linggo sa nasabing mga polling places.
Sa pamamagitan ng isang resolution noong Miyerkules ay pinagtibay ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang pagsasagawa ng special elections sa labing-isang mga bayan sa walong mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Nakapaloob sa nasabing mga lugar ang 52 clustered precincts na mayroong kabuuang 17,657 registered voters.
Ang special elections ay kasalukuyang ginaganap sa mga sumusunod na lugar.
Barangay Gabi, Cordova, Cebu — 436 na mga botante para sa isang clustered precinct.
Maitum, Sarangani —677 na mga botante para sa isang clustered precinct.
Sta. Cruz, Marinduque —621 na mga botante para sa isang clustered precinct.
Barangay Mabuyong, Anini-y, Antique —691 na mga bontante para sa isang clustered precinct.
Barangay Insubuan, San Remigio, Antique -158 na mga botante sa isang clustered precinct.
Barangay Roxas, Lope de Vega, Northern Samar —169 botante para sa isang precinct.
Nagpapacao, Matuguinao, Western Samar – 285 na mga botante sa isang precinct.
Binidayan, Lanao del Sur —7,845 bontante para sa 26 clustered precincts.
Pata, Sulu —1,670 na mga botante para sa 6 na clustered precincts.
Panglima Estino, Sulu —4,058 na mga botante para sa 10 clustered precincts.
Tamparan, Lanao del Sur — 1,047 na mga botante para sa 3 clustered precincts.
Nilinaw din ng Comelec na kanselado muna ang proklamasyon ng ilang mga nanalo sa halalan kung maapektuhan ito ng bilang ng mga boto na magmumula sa ginaganap special elections sa naturang mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.