11,378 sa 11,790 registered law graduates kumuha ng Bar exam

By Jan Escosio February 04, 2022 - 10:03 PM

Hindi lahat ng 11,790 law graduates na nagbayad ng kanilang registration fees ang sumulpot sa unang araw ng Bar examinations ngayon taon.

Sinabi ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, 11,378  ang kumuha ng Bar exam sa ibat-ibang testing centers sa bansa at ang bilang ay 96.5 porsiyento ng mga nagparehistro.

“The 96.5 percent turnout is a good number specifically because of the pandemic still raging in various parts of the country, as well as, for every normal  Bar Exams usually there is a 10 to 15 percent attrition for the first day. In other words, 10-15 will not appear for the first day of the Bar Exams,” ayon kay Leonen.

Hindi naman ito nakapagbigay ng petsa kung kailan mailalabas ang resulta, ngunit sa mga nakalipas na Bar exams, nailalabas ang resulta sa loob ng anim na buwan.

Nabatid na may 115 candidates ang nag-positibo sa COVID 19 antigen test at hindi sila pinayagan na makapasok sa testing centers.

May mga ulat na may mga law graduates na nag-positibo sa swab test.

Sa darating na araw ng Linggo, Pebrero 6, ang ikalawang araw ng eksaminasyon para sa mga nais maging abogado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.