3-percent inflation rate, naitala sa buwan ng Enero
By Angellic Jordan February 04, 2022 - 10:25 AM
Patuloy na bumagal ang pagsipa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nagdaang buwan ng Enero.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng tatlong porsyentong inflation rate sa Enero.
Mas mabagal pa ito kumpara sa naitalang 3.6 porsyento noong Disyembre 2021.
Sinabi ng PSA na bunsod ito ng mabagal ang paggalaw sa presyo ng housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.